DMW, INIHAHANDA NA ANG TULONG SA MGA OFW SA TAIWAN NA APEKTADO NG BAGYONG CARINA

Manila Philippines — Inihahanda na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang tulong sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na apektado ng Bagyong Carina na may international name na Gaemi sa bansang Taiwan.

Matapos ang pananalasa ng bagyong Carina sa Pilipinas na nag-iwan ng hindi bababa sa dalawampu’t isa ang nasawi, sunod itong tumama sa bansang Taiwan.

Ayon sa DMW, nakikipagugnayan na raw sila sa  Manila Economic Office (MECO) sa Taiwan para sa agarang pagbibigay ng tulong sa mga apektadong OFW.

“Together with the Chairman Silvestre Bello III and the MECO, we have established a Taiwan Help Desk to monitor the situation of OFWs in Taiwan, receive reports and requests for assistance, and coordinate relief efforts for affected Taiwan OFWs,” ani Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac.

Sa ngayon wala pang naitalang nasugatan o nasawi na OFWs sa Taiwan dahil sa bagyong Carina, pero patuloy ang pagmomonitor ng ahensya sa sitwasyon ng mga Pilipino roon.

‘“So far, there are no reported casualties or injuries from among Taiwan OFWs.  However, we continue to actively monitor the situation, especially in severely affected areas,” dagdag pa ni Cacdac.

Nagpapalala rin ang DMW sa mga OFW sa Taiwan na manatili na lamang sa ligtas na lugar.

Naglandfall ang Bagyong Carina sa Taiwan kahapon, dala ang malakas na pagbuhos ng ulan at malakas na hangin na aabot sa 205 kilometers per hour.

Nasa mainland China na ang Typhoon Gaemi sa south-eastern province ng Fujian sa China kung mahigit 150,000 na katao ang apektado.

Share this