DMW: PILIPINONG SAKAY NG SINGPORE AIRLINES, NANANATILI SA ICU

Manila Philippines — Nakatakdang isailalim sa neck surgery ang isang Pilipinong kabilang sa limang Pinoy na lulan ng Singpore Airlines na tinamaan ng servere turbulence.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), nagtamo raw ng neck fracture ang Singapore-based OFW.

Bagamat sensitibo, nasa stable na raw na kondisyon ang naturang OFW.

“She is set to undergo surgery tonight to address her neck fracture. No word as yet on the treatment or surgery options for her back injuries,” ayon sa ahensya.

Binisita umano ng Philippine Embassy sa Bangkok ang naturang OFW noong Miyerkules.

Samantala ang isa pang 62-taong gulang na pasaherong Pinay, ay nananatiling nasa intensive care unit (ICU) matapos maging unconcious dahil sa insidente.

READ: 1 PATAY, 30 SUGATAN DAHIL TURBULENCE NG SINGAPORE AIRLINES

“Doctors are monitoring his condition for further evaluation and treatment,” dagdag pa ng DMW.

Ang tatlo naman UK-based OFWs ay nasa maayos na raw na kalagayan.

Isang British national ang nasawi matapos tamaan ng malakas na turbulence ang Singpore Airlines flight SQ321 na may lulang 200 pasahero at 18 crew members.

Nangako naman ang pamunuan ng naturang eroplano na sasagutin nila lahat ng gastusin ng mga pasahero.

RELATED: NO FILIPINO GOT INJURED IN MOUNT IBU ERUPTION IN INDONESIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this