Manila, Philippines – Matapos inanunsyo ng Department of Health (DOH) na nakataas na sa code white alert ang mga DOH hospital sa buong Metro Manila at karatig na mga rehiyon na magtatagal ng hanggang January 10 bilang paghahanda sa Traslacion 2026 na magaganap sa January 9.
Ipinahayag ng ahensya na may 20 health emergency response team stations silang nakakalat malapit sa ruta ng andas ng Jesus Nazareno na magsisilbing kaagapay ng mga deboto.
Pagtitiyak ng DOH hindi lang mga ospital ang kanilang inihahanda sa mismong araw ng Traslacion, kundi maging ang mga personnel nila na siyang unang sasaklolo sa mga debotong makararanas ng pagkahilo at ibang sama ng pakiramdam.
Sa inilabas na gabay ng ahensya matatagpuan ang tig-dadalawang health station ng DOH sa Quirino Grandstand, Rizal Park Roxas Boulevard, National Museum exit point, Cebuana Lhuillier malapit sa SM Manila at 12 dalawang iba pa na pwesto.
Bukod sa mga ito mahigpit ding pinapaalala ng DOH sa publiko na kung sakaling makaramdam ng pagkahilo, pananakit ng dibdib, hirap sa paghinga, sobrang pagka-uhaw at matinding pagkapagod, at pagkauhaw o anuman sa mga senyales na ito, mas mabuting pumunta na agad sa pinakamalapit na health station para sa first aid para hindi na mauwi pa sa mas masamang komplikasyon.
Samantala, ilang araw naman bago ang Traslacion kasamang nakipagpulong ang DOH sa Manila LGU, at mga kinatawan ng Minor Basilica ng Jesus Nazareno para sa magiging papel ng kagawaran sa mismong araw.