DOJ PROSECUTORS, PINAPABALIGTAD ANG DRUG CASE ACQUITAL NI DE LIMA

Manila, Philippines – Matapos iabswelto ng korte si Mamamayang Liberal (ML) Rep. Leila de Lima sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga, kumilos ang Department of Justice (DOJ) Panel of Prosecutors para kuwestiyunin ang desisyon.

Sa bagong mosyon na inihain sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 204, hiniling ng mga piskal na baligtarin ang naging hatol ng korte laban kay De Lima at dating aide nitong si Ronnie Dayan, batay sa paniwala nilang hindi sapat ang pagbawi ng pangunahing testigo na si dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Rafael Ragos sa kanyang naunang testimonya.

Ayon sa prosecutors, hindi lubusang napawalang-bisa ni Ragos ang kanyang testimonya sa korte, kung saan inilahad niya noon na personal siyang naghatid ng P10 milyon halaga ng ilegal na droga sa bahay ni De Lima bilang bahagi umano ng kita mula sa illegal drug trade operation ng New Bilibid Prison (NBP).

Ngunit, binawi ito ni Ragos at sinabing napilitan lamang siyang magsinungaling dahil sa pamimilit ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II para idawit ang mga ito.

Dagdag pa ng DOJ prosecutors, may iba pang ebidensya at tetestigo na susuporta sa partisipasyon nina De Lima at Dayan sa ilegal na droga sa NBP.

Bagama’t dismiss na ang tatlong kaso ng droga na isinampa laban kay De Lima noong administrasyong Duterte, patuloy naman niyang pinapabulaanan ang mga paratang na ito.

Share this