MANILA, PHILIPPINES – Napagkasunduan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbigay ng temporary employment sa mga Disadvantage Workers.
Yan ay upang matugunan ang ilang suliranin ng bansa pagdating sa kakulangan sa pagkain at tubig sa bawat komunidad na dulot ng climate change.
Ang naturang programa ay nakasailalim sa TUPAD Program ng DOLE at LAWA at BINHI project ng DSWD.
Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma nasa P144 million ang pondong gagamitin dito.
14,000 manggagawa naman na kinabibilangan ng mga magsasaka, mangingisda, mga katutubo, mahihirap na pamilya at iba pa ang mabibigyan ng trabaho.
Ilalagay sila sa community based project gaya ng pagtatayo ng mga pasilidad na magiging kapakipakinabang sa pag-aani ng mga produktong pang agrikultura kabilang na dyan ang pagtatanim at anumang trabaho na may kaugnayan pagpapanatili ng sapat na tubig at pagkain sa isang komunidad.
Ang mga hakbang daw na yan, ayon sa DOLE ay bahagi pa rin ng Philippine Development Plan 2023-2028 at Labor and Employment Plan 2023-2028.
Inaasahan namang tataas mula sa labing apat na libong disadvataged workerts ang matutulungan ng ahensya sa mga susunod pang taon.