Manila, Philippines – Dinagdagan ng Department of Transportation (DOTr) at ng GCash ang mga cashless turnstiles sa MRT-3, para sa mas mabilis at convenient na pagsakay ng mga pasahero.
Layunin nito na mabawasan ang pila sa beep cards at single journey tickets at padaliin ang pagbabayad ng mga pasahero sa MRT gamit ang kanilang mobile phones at credit o debit cards.
Ayon sa DOTr, mayroon ng tig-dalawang cashless turnstiles ang naturang MRT na makikita sa Ayala at Cubao stations, habang tig-iisa naman sa bawat entrance at exit ng iba pang MRT stations.
Patuloy naman ang pagdadagdag ng ahensya ng mas maraming cashless turnstiles sa iba’t bang mga istasyon sa mga susunod pa na araw.
Matatandaan na noong July 25, 2025, unang inilunsad ng DOTr ang bagong cashless payment methods sa rail line, alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paginhawain ang serbisyo sa mga pasahero gamit ang digitalization. —Grachella Corazon, Eurotv News