DOTr, NAKIUSAP SA AIRLINES PARA SA LIBRENG PAGHAHATID NG RELIEF GOODS SA MGA LUGAR NA APEKTADO NG LINDOL

Manila, Philippines – Humingi ng tulong ang Department of Transportation (DOTr), sa pamamagitan ng Civil Aeronautics Board (CAB), sa mga lokal na airline upang magbigay ng libreng transportasyon para sa relief goods patungo sa mga lugar na matinding naapektuhan ng Magnitude 6.9 na lindol na yumanig sa lalawigan ng Cebu kamakailan.

Ang panawagan ay bahagi ng agarang pagtugon ng pamahalaan sa mga nasalanta, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin at pabilisin ang paghahatid ng tulong sa mga apektadong mamamayan.

Ayon sa DOTr, inaasahan nilang makikipagtulungan ang mga lokal na airline companies upang masigurong mabilis na makarating ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, tubig, gamot, at iba pang relief items sa mga isolated o hirap marating na lugar sa rehiyon.

Share this