DOTr PINAMAMADALI ANG PAGPAPALAWAK SA BAGONG PIER NA NASIRA NOONG BAGYONG ‘UWAN’

Manila, Philippines – Pinamamadali na ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez  ang pagsasagawa at pagpapalawak ng bagong pier ng Pio Duran Port sa Albay matapos masira ang kasalukuyang pier nang ito ay hagupitin ng Super Typhoon Uwan.

Sa kanyang pag-i-inspeksyon sa Pio Duran Port ipinag- utos ni Lopez sa Philippine Ports Authority (PPA) ang proyekto para sa mas malawak na pier at road connector nito dahil hindi na ito magagamit base sa kasalukuyang kondisyon nito

Aniya dapat agad magawa ang pantalan dahil dito dumadaan ang 30 cargo trucks papuntang Masbate.

Dagdag pa ng Kalihim, malaking bagay ito sa mga pasahero at residente dahil isa ito sa sentro ng pangangalakal at negosyo ng munisipalidad.

Kasamang nag-inspeksyon ni Lopez sa pantalan sina PPA General Manager Jay Santiago at Pio Duran Mayor Vangie Arandia.

Ipinag-utos din ng Kalihim sa PPA ang pagtatayo ng Philippine Coast Guard (PCG) Law Enforcement Building para sa mabilis na tugon sa maritime emergencies at security.

Bahagi parin ito ng direktiba ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang agarang pagkukumpuni ng mga nasirang imprastraktura sa mga transport hubs na naapektuhan ng nagdaang bagyo.

Share this