DOUBLE-DIGIT OIL PRICE HIKE, IPINATUPAD NA NGAYONG ARAW NG MARTES

Manila, Philippines – Nadama na ng mga motorista ang bigat ng pagsirit ng presyo ng petrolyo ngayong araw nang martes, matapos ipatupad ng mga kumpanya ng langis ang big time oil price hike.

Batay sa Department of Energy, nagpatupad na ang mga kumpanya ng langis ang pauna nitong pagtaas sa presyo ng langis dahil nagbabadyang kakulangan sa supply ng produkto. 

Sa produkto ng gasolina, mula pitong piso hanggang labing tatlong piso ang itinaas kada litro. 

Mula 17 pesos hanggang 24.25 pesos ang itinaas ng Diesel. 

At 32 pesos hangganf 38.50 kada litro ang itinaas sa presyo ng kerosene.

GRUPONG PISTON, PLANONG MAGSUMITE NG UMENTO SA PAMASAHE NG MGA KOMYUTER 

Bunsod nito, ilang mga progresibong grupo ang nagsagawa ng kilos protesta para kundenahin ang umano’y kakulangan ng aksyon mula sa gobyerno.

Ang grupo ng mga jeepney driver na piston, balak maghain ng provisional 5 peso fare hike sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). 

Ayon kay Piston National President Ka Mody Floranda, hindi ito para magbigay ng pasakit sa mga komyuter kundi para mabawi ng mga jeepney driver ang nawalang kita sa kanila mula noong October 2023. 

Bunsod nang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produkto ng diesel. 

Giit pa ni Ka Mody, ilang mga jeepney driver na rin ang nagpahayag na babawasan ang kanilang byahe o di kaya naman ay titigil na sa pamamasada. 

Inaasahan umano nila na bukod sa price hike ngayong araw ay mayroong pang ibang ipapatupad na pagbabago.

Pahayag ng lider, bago sana ipatupad ang malakihang pagtaas ng presyo ng langis ay nagpatawag muna ng LTFRB o DOE ng konsultasyon sa sektor ng transportasyon. 

TRANSPORT GROUPS, NANAWAGAN NA BUWAGIN, SUSPENDIHIN ANG EXCISE TAX, VAT SA PRODUKTONG PETROLYO

Mariin din nilang isinusulong ang tuluyang pagbasura sa excise tax at value added tax sa mga produktong petrolyo. 

Ayon kay Atty. Ariel Inton, posibleng umabot agad sa 15 pesos ang ibababa ng mga langis kung tatanggalin na ang mga buwis. 

Aniya, hindi na kakailangan pa ng dagdag pasahe ng mga komyuter sa oras na suspendihin ang buwis sa ilalim nito. 

Panawagan nila sa kongreso na bilisan ang pag-aaral para maipagkaloob kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang emergency power na suspendihin ang excise tax at vat sa langis. 

Gayundin ang agarang mapapahagi ng fuel subsidy para sa mga operator at driver.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this