DPWH, HUMINGI NG PAUMANHIN SA SENADO MATAPOS MAGSUMITE NG KULANG NA DATOS KAAKIBAT SA HILING NA DAGDAG NA PONDO SA 2026

Manila, Philippines – Humingi ng paumanhin ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa senado kaugnay sa aplikasyon nito para sa updated Construction Materials Price Data (CMPD). 

Inamin ng DPWH na nagkulang ang kanilang mga pinasang datos tungkol sa regional adjustment factors.

Giit nila na ang mga impormasyong ipinasa nila para sa konsiderasyon sa dagdag na pondo sa sampung libong proyekto ay nagkulang. 

Ito ang dahilan ng pagpostpone din ng senado ng nakatakdang bicameral conference kahapon ni Senator Sherwin Gatchalian. 

Nangako naman ang DPWH na magsusumite ng karagdagdang pag-aaral, lalo na ang mga presyo ng  materials sa merkado na makakaapekto sa pagbuo ng imprastraktura kung hindi madadagdagan ang pondo nito. 

Noong lunes, nilinaw ni House appropriation Chair Mikaela Suansing na walang pondong ibabalik sa DPWH, ngunit ang hiling lamang ng tanggapan na matukoy kung kailan ikokonsidera bilang savings. 

Paliwanag ni Suansing, kung tatayo bilang savings ang pondo sa oras na sisimulan ang proyekto, matitiyak na lahat ng plano ng matutupad. 

Target ng kongreso na maratipikahan ang pondo sa December 22.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this