DPWH, NAGBABALA SA MGA MODUS NA GINAGAMIT ANG PANGALAN NG MGA OPISYAL PARA MANLOKO

Manila, Philippines – Naglabas ng public advisory ang Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos makatanggap ng ulat ang tanggapan ni DPWH OIC-Undersecretary Lara Marisse Esquibil kaugnay sa mga indibidwal na umano’y gumagamit ng kanyang pangalan sa iligal na panlilinlang at paghingi ng pabor.

Ayon sa ulat, kinilala ang mga personalidad na sina Rommel Santos at Ariel Gonzales na sangkot umano sa hindi awtorisadong paggamit ng pangalan ng naturang opisyal.

Mariing pinaaalalahanan ng DPWH ang publiko na huwag makipag-ugnayan o tumugon sa anumang kahina-hinalang tawag, mensahe, o komunikasyon na humihingi ng pabor, donasyon, o anumang uri ng paniningil na ikinakabit sa pangalan ng sinumang opisyal ng ahensya.

Hinikayat din ng DPWH ang publiko na maging mapagmatyag at makiisa sa pagpigil sa ganitong uri ng modus sa pamamagitan ng pagpapakalat ng babala at pag-iwas sa pakikipagtransaksyon sa mga kahina-hinalang kontak.—Grachella Corazon, Eurotv News

Share this