Cebu, Philippines – Puspusan ngayon ang gingawang pagtatrabaho ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para matapos ang pagtatayo ng mga tent cities sa north Cebu.
Alinsunod yan sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyan ng temporary shelter ang mga pamilya at indibidwal na naapektuhan ng magnitude 6.9 na lindol na tumama sa lalawigan gayundin ang mga takot pang umuwi sakanilang tahanan.
Batay sa inisyal na report ng DPWH, nasa 99 na tent para sa 79 na pamilya na sa Bogo City ang kanilang naipatayo.
Mayroon itong 33 units ng portable toilet, 3 unit ng bathing facilities, 2 unit ng water station, 5 units ng DSWD emergency shelters, isang mobile kitchen, Red Cross food truck at tent para sa medical team.
66 na temporary shelter na rin ang naipatayo sa Medellin na may 12 units ng portalets, at isang storage unit.
Sa ngayon, inaayos na rin ang mga tent na ilalagay sa San Remigio at Daanbantayan sa Cebu City.
Ang Philippine Red Cross naman patuloy ding naghahatid ng mga hygiene kits sa Cebu na ipapamahagi sa mga pamilyang nanunuluyan sa tent city.