DPWH SEC. DIZON, ININSPEKSYON ANG TARTAR CREEK AT TALON DOS SA LAS PIÑAS BILANG BAHAGI NG OPLAN KONTRA BAHA 

Manila, Philippines – Bilang bahagi ng Oplan Kontra Baha ng pamahalaan, ininspeksyon ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Romando Artes, Las Piñas City Mayor April Aguilar at ilang kawani ng ahenya ang naging progreso ng paglilinis sa kahabaan ng Tartar Creek, Barangay Pamplona Tres at Talon Dos, sa lungsod ng Las Piñas ngayong araw. 

Alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mas paigtingin pa ang malawakang kampanya ng gobyerno kontra baha lalo na sa panahon ng  tag-ulan. 

Ayon kay DPWH Sec. Dizon, makikipagtulungan ang ahensya sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), National Housing Authority (NHA) at iba pang katuwang sa private sector upang matanggal ang mga nakaharang na puno at mabigyan ng maayos na malilipatan ang mga informal settler families (ISFs) na kasalukuyang naninirahan sa kahabaan ng naturang estero.

Dagdag pa nito, kahit konting cooperation lang mula sa mga residente nito malaking tulong na raw upang mabawasan ang basura at maibsan ng kahit konti ang mga pag-baha sa lungsod. 

Taos-puso rin ang pasasalamat ni Dizon sa tulong ng Las Piñas LGU at ilang kawani sa patuloy na pakikiisa nito sa pagpapatupad ng Oplan Kontra Baha.—Grachella Corazon, Eurotv News

Share this