Manila, Philippines – Sinuspinde ng Department of Social Welfare and Development ang operasyon ng isang care facility na pagmamay-ari ng isang vlogger sa Barangay Landayan, San Pedro.
Kasunod ng pag-ooperate nito ng walang permit.
Batay sa isinagawang operasyon ng DSWD Standards Bureau kasama ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at DSWD Field Office 4A- CALABARZON, labindalawang indibidwal ang natagpuang naninirahan sa care facility.
Kabilang na rito ng dalawang menor de edad.
Ang anim dito, kasama ang menor de edad ay inilipat ang kustodiya ng DSWD para mabigyan ng tamang alaga at intervention.
Binigyan na rin sila ng medikal na atensyon ng City Health office.
Nagbigay din ang DSWD ng technical assistance sa BenchTV- ang vlogger na nagmamay-ari ng care facility hinggil sa proseso at mga kinakailangan para sa pagkuha ng Certificate of Registration and License to Operate (CRLTO).
Pahayag naman ng vlogger na Bench TV sa social media page nito, handa silang makipagtulungan sa DSWD para makakuha ng permit nang sa gayon ay maging maayos ang kanilang operasyon.—Krizza Lopez, Eurotv News