Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development na handa nilang papanagutin ang sinumang magtatangkang bawasan ang mga cash aid na para sa mga biktima ng lindol sa Cebu.
Ayon kay DSWD Director for Disaster Response Management Bureau Maria Isabel Lanada, dumadaan sa mga imbestigasyon ang mga narereport na binabawasan umano ang tulong pinansyal.
Aniya direktang binibigay sa mga benepisyaryo ang emergency cash transfer sa mga biktima ng lindol.
Giit pa ni Lanada nakabantay ang DSWD sa mga kaso ng paghingi ng komisyon.
Batay sa datos ng DSWD, mula kaninang umaga 75,426 ng kabuuang bilang ng mga nasirang bahay sa cebu dahil lindol.
Ito ang datos na ginagamit ng DSWD sa pagtukoy ng mga benepisyaryo ng emergency cash transfer.
Ang tulong pinansyal na ito ay tulong para maipaayos muli ng mga biktima ang kanilang mga tahanan.—Krizza Lopez, Eurotv News