Manila, Philippines – Suportado ni Mr. Jessie Relox Royo CEO ng Eagles 1 Marketing Corporation— isang kompanyang may mahabang karanasan at eksperto sa digital marketing sa mungkahi ni Economic Professor at dating National Economic and Development Authority (NEDA) Chief Solita Monsod na malabanan ang malawakang korapsyon sa bansa.
Sa layuning labanan ang korapsyon, mapabuti ang paggamit ng pampublikong pondo, at mapanagot ang mga sangkot sa pagwaldas nito, binigyang-diin ni Monsod ang kahalagahan ng pagpapabuti ng mga sistema ng pagsubaybay at pagsusuri o ang Monitoring and Evaluation (M&E).
Ipinahayag ito ni Monsod sa kanyang pagdalo sa Department of Budget and Management (DBM) Policy Conference na ginanap sa UP College of Law sa Diliman, Quezon City, noong Oktubre 27, 2025.
Bilang tugon naman sa mungkahi ni Monsod, sinabi ni DBM Undersecretary Margnux Salcedo na inilunsad na ng DBM ang Project “DIME” o ang Digital Imaging for Monitoring and Evaluation, isang digital na sistema na susubaybay sa lahat ng proyektong pinondohan ng General Appropriations Act (GAA).
Layunin ng DBM Project DIME na mapabuti ang pangangasiwa sa paggasta ng pampublikong pondo at mapanagot ang mga sangkot sa paglustay ng pondong ito.
Matatandaang isinusulong ni Senator Bam Aquino ang paggamit ng teknolohiyang blockchain upang mapahusay ang transparency sa gobyerno.
Sa Senate Bill no. 1330 ni Aquino o ang Philippine National Budget Block Chain Act maglalagay ito ng budget sa blockchain ledger kung saan masusubaybayan ng publiko at maa-access ang transactions ng gobyerno real time.
Layunin nito na labanan ang korapsyon at maling paggamit ng public funds sa pamamagitan ng modernong paraan o blockchain.—Charlie Mendoza, Eurotv News