EALA, NAGBIGAY PARANGAL SA PILIPINAS

Manila, Philippines – Hindi man nasungkit ni Alexandra Eala ang panalo kontra kay Australia’s Maya Joint nitong Sabado (June 28, 2025), nagbigay naman ito ng bagong parangal para sa Pilipinas.

Si Eala kasi ay tinaguriang first-ever Pinay na nakatungtong sa Women’s Tennis Association (WTA) singles final sa 2025 Eastbourne Open.

Tila tindig ng passion lamang ang sandigan ng 20-year old Pinay tennis sensation nang makaharap niya si 19-year old Maya Joint ng Australia.

Dikit lamang ang laro sa final set sa score na 10 – 10, subalit kinapos sa kampyeonato ang Pinay. Ang naturang score ng laro ay 12 – 10.

Pagkatapos ng nag-aalab na sagupaan ay naabutang umiiyak ang Pinay sa mahapdi na pagkatalo.

Ngunit, winelcome ng buong Pilipinas ang kaniyang tagumpay sa larangan. Mismong si Pangulong Bongbong Marcos ay namangha at binati ang kaniyang accomplishment.

Samantala, umangat ang world rank ng Pinay sa WTA, mula #74 na napunta sa #56.

Nanalo din si Eala ng 33,380 USD.

Ang susunod ng kaniyang tatahakin ay sa Wimbledon, kung saan makakatapat niya ang defending champion na si Barbora Krejcikova sa susunod na Linggo.

Share this