EALA, YULO, MAJOR CONTENDERS BILANG 2025 ATHLETE OF THE YEAR

Manila, Philippines — Dalawang nagpaingay na pilipino sa mundo ng pampalakasan sa nagdaang taon na sina Tennis star Alex Eala at Olympic gold-medalist gymnast Carlos Yulo ay ang major contenders para sa 2025 Athlete of the Year sa gaganaping Philippine Sportswriters Association Awards Night.

Sa gaganaping kaganapan, pangunahing layunin ng PSA ay bigyang rekognisyon ang mga kababayan na atletang ipinamalas ang kanilang galing. 

Bilang top contenders ng Athlete of the Year, ang ibig sabihin ng parangal na ito ay para sa mga atletang naramdaman ang kanilang talento sa buong mundo nitong nakaraang taon. 

Katulad nina Alex Eala kung saan umangat ang ranggo niya sa World Tennis Association at pag ukit ng kaniyang ika-unang WTA 125 na titulo sa Mexico. 

At pati na rin si Carlos Yulo na consistent sa pagkamit ng medalyo sa mga torneyong sinasalihan. 

Ang dalawa ay nanguguna sa karera sapagkat narinig, namataan, at naramdaman ng buong mundo hindi lamang ang kanilang talento, pati na rin ang inspirasyon at impluwensiyang ibinahagi sa madla. 

Kasama din sa karera sina Miguel Tabuena, Chezka Centeno, at Kayla Sanchez na nagbigay din ng karangalan sa bansa sa pagpanalo sa kanilang respective sports. 

bukod sa award na ito ay may major awards pang ibibigay ang PSA sa mga atleta.

Gaganapin ang PSA Awards Night sa February 2, 2026.—Kyle Basa, Eurotv News

Share this