Manila, Philippines – Inanunsyo ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) na ipagdiriwang ang Eid Fitr sa March 21 araw ng Sabado.
Ito ay kasunod ng isinagawang moon sighting kung saan hindi namataan ang bagong buwan o “hilal” sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Dahil dito, inilipat ang selebrasyon mula sa naunang itinakdang petsa na March 20.
Isinagawa ang pagmamasid sa buwan sa pakikipagtulungan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Darul Ifta, mga grupo ng ulama, at ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) upang matiyak ang tamang pagsunod sa tradisyong Islamiko.
Dahil hindi nakita ang bagong buwan, magpapatuloy muna ang paggunita sa Ramadan bago tuluyang ipagdiwang ang Eid’l Fitr, na hudyat ng pagtatapos ng banal na buwan ng pag-aayuno ng mga Muslim.
Nanatili naman na regular holiday ngayong araw dahil na rin ito ay nauna nang ideklara ng Malacañang.