ENGR. ALCANTARA, KINASUHAN NG ADMINISTRATIBO NG DPWHM; KASONG KRIMINAL HANDANG ISUNOD

Manila, Philippines – Hinatulan ng guilty ng Department of Public Works and Highways (DPWH) si Engineer Henry Alcantara, dating District Engineer ng DPWH Bulacan 1st District matapos masangkot sa maanomalyang project sa lungsod.

Alinsunod sa reklamong Administratibo na inihain ni dating Secretary Manuel Bonoan laban kay Alcantara, guilty ang engineer matapos mapatunayang hindi naging tapat ang opisyal sa Republika ng Pilipinas, Grave Misconduct, Gross Neglect in the Performance of Duty at Conduct preducial to the best interest of the service.

Batay sa naging desisyon ni DPWH Sec. Vince Dizon, ang desisyong ay walang pagkiling sa pagsasampa ng magkahiwalay na sibil o kriminal na mga kaso laban sa kanya at sa kanyang mga kasamahan.

Ang mga kasong inireklamo laban kay Alcantara ay nag-ugat din pag-amin nito na pinirmahan niya bilang complete ang proyekto nagkakahalaga ng 55 million sa Baliwag, Bulacan.

Ngunit walang nadatnan na proyekto ang pangulo.

Ayon kay Alcantara, bumatay lamang siya sa ipinasang inspection report ng kanyang team.

Inamin din niya sa pagdinig ang paggamit ng mga alias at pekeng ID para makapasok sa mga casino, sa kabila ng pagbabawal ng mga opisyal ng gobyerno na magsugal.

Kasunod ng desisyon ni Dizon, nagbabala ito sa lahat ng opisyal at kawani ng DPWH sa sangkot pa sa ibang ghost project at substandard project na hindi ito makatatakas at titiyaking mahaharap sa kaso.

Irerekomenda na rin ng DPWH ang pagsasampa ng kriminal na kaso laban kay Alcantara at sa iba pang sangkot.

Bukod kay Alcantara, mahaharap din sa kasong administrative at kriminal case sina Assistant District Engineer Brice Ericson Hernandez, Construction Section Chief Engineer Jaypee Mendoza, at Accountant III Juanito Mendoza na mula sa 1st district ng Bulacan—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this