ENRILE, REYES, AT NAPOLES, ABSWELTO SA KASO NG PORK BARREL, AYON SA DESISYON SA SANDIGANBAYAN

Manila, Philippines – Abswelto na sa Sandiganbayan Court sina  former Senate President at Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, dati niyang chief of staff Jessica “Gigi” Reyes at Janet Lim Napoles laban sa 15 counts ng graft dahil umano sa maling paggamit ng 172 million pork Barrel.

Batay sa naging desisyon ng Sandiganbayan court Special Third Division, nabigo ang prosekusyon na patunayan ang pagiging guilty ng mga akusado, beyond reasonable doubt. 

Sa desisyon sinulat ni Special Third Division Chairperson Justice Ronald Moreno, inuutusan ng korte sina Napoles at ang iba pang akusado na magbayad ng civil charges na nagkakahalaga ng 8 million hanggang 40 million pesos.

Subalit, hindi pinagbayad ng korte si Enrile, Reyes, at ang ilang akusado. 

Nabanggit ng korte na pinawalang sala nito sina Eulogio Dimailig Rodriguez, Romulo Magahis Relevo, at Alexis Gagni Sevidal dahil sa pagkamatay nito. 

Gayundin ang kaso ni Hernanie Ditchon. 

Habang ang kaso ni Fernando Balbaira Ramirez ay ibinasura dahil sa kakulangan ng probable cause. 

Nag-ugat ang mga kaso mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala bilang pork barrel scandal na sumiklab noong 2013. 

Matapos ilabas ang maling paggamit ng pondo ng mga mambabatas para sa mga pekeng proyekto.

Sa ilalim ng naturang modus, ang mga alokasyon mula sa PDAF ay ipinadaan sa mga pekeng non-governmental organizations (NGOs) na pinapatakbo umano ni Janet Lim-Napoles.

Noong 2014, sinampahan ng kasong plunder sina dating Senate President Juan Ponce Enrile, ang kanyang chief of staff na si Gigi Reyes, at si Napoles, matapos akusahang kumita ng P172.8 milyon mula sa PDAF ni Enrile sa pagitan ng 2004 hanggang 2010.

Si Napoles ay nauna nang nahatulan ng plunder noong 2018 kaugnay ng pork barrel funds ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr.

Noong Oktubre 4, 2024, na-absuwelto si Enrile sa kasong plunder matapos igiit ng Sandiganbayan na bigong mapatunayan ng prosekusyon na siya ay tumanggap ng higit sa P50 milyong kickbacks, na siyang minimum na halaga para maituring na plunder.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this