MANILA, PHILIPPINES – Mahigpit ngayon na pinababantayan ng Department of Health (DOH) ang lahat ng entry point sa bansa para sa mga manlalakbay na papasok sa Pilipinas na may naitalang mga bagong Covid-19 variants na KP.1 at KP.2 o Flirt virus.
Sa bisa ng Memorandum 2024-48 inaatasan ng DOH ang Bureau of Quarantine (BOQ) na isailalim sa heightened alert ang lahat ng istasyon sa bansa na dinanaanan ng mga turista.
Bureau of Quarantine Memorandum mula sa DOH | Photo Courtesy: BOQ
Bilang bahagi ng naturang paghihipit kinakailangan nilang dumaan sa screening ng Covid-19 upang matiyak na wala silang dalang sakit na may kauganayan sa flirt variant.
Sa kabila nyan una ng sinabi ng DOH na hindi pa dapat ikabahala ng publiko ang naturang mga variant.
Gayundin ang paghihipit sa border control at mandatoryong pagsusuot ng facemask.
READ: PILIPINAS, MALAYO SA PANGANIB NG BAGONG VARIANT NG COVID-19
Gayunpaman panatilihin pa rin daw ang minimum public health standards lalo na sa mga vulnerable population upang makaiwas sa ibang pang mga sakit.
Paalala naman ng BOQ para sa mga manlalakbay na manggagaling sa labas ng Pilipinas na sagutan ang kani-kanilang e-travel application.
Kabilang sa mga bansang nakapagtala na ng bagong Covid variant ang United States, Canada, Australia, South Korea, Singapore, India at iba pa sa Europa.
Samantala nanawagan naman ang DOH na umantabay lamang ng mga totoong balita hinggil sa mga bagong Variant ng Covid 19 sakanilang Kagawaran at umiwas sa fake news.