ESCUDERO, NANAWAGAN SA GOBYERNO NA DAHIL ANG ISSUE SA WPS SA ASEAN

Manila Philippines — Hinihikayat ni Senate President Chiz Escudero ang pamahalaan na ikonsidera ang pagsusumite ng sighalot sa West Philippine Sea (WPS) sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ayon kay Escudero may opsyon aniya ang pamahalaan na i-akyat ang sighalot sa anumang forum at ilathala ang katayuan ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo.

“Option palagi ‘yan ng ating pamahalaan pero isang concern din na nais kong i-bring up ay sana subukan kung kakayanin ng ating DFA na dalhin ito sa ASEAN,” ani Escudero sa isang panayam.

Nakapalood aniya ang Pilipinas sa ASEAN at nakakasop din ang organisasyon na ito sa West Philippine Sea.

Nito lamang linggo nang inilabas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang bidyo na nagpapakita kung paano hinabol at inagaw ng Chinese Coast Guard ang mga food supplies ng mga Pilipino na nakalaan para sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Nagpahayag naman ng pagkondena si Senator JV Ejercito sa aniyang hindi makataong ginawa ng China.

Ayon sa Senador, dapat daw bigyan ng China ng respeto ang Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo upang maiwasan ang pagtaas ng tensyon at mapanatili ang kapayapaan at stabilidad sa rehiyon.

“I reiterate that China must respect Philippine’s maritime activities in the area and refrain from engaging in actions that escalate tensions and jeopardizes peace and stability in the region,’ giit ni Ejercito sa isang pahayag.

Gayunpaman, nangangamba si Escudero na posibleng magpataas ng tensyon sa pagitan ng Beijing at ng Manila at paghahain ng reklamo ng Pilipinas sa ASEAN.

“Ang aking hiling at panalangin ay manatiling mahinahon ang magkabilang panig: ang ating bansa at ang bansang Tsina anuman ang uri ng oprensibang ginagawa nila tulad ng pag-agaw,” sabi pa ni Escudero.

“So sana itong pag-init na ito ay humupa rin at madaan pa rin, pinapanalangin ko sa diyalogo at anumang uri ng pakikipag-usap, harapan man, mataas man o mababang lebel upang sa gayon ay magkaroon ng maski papano pagkakaunawaan sa bagay na ito at mga haharapin pa nating mga hamon sa darating na panahon,’ dagdag pa ng Senador.

READ: BAGONG REGULASYON NG CHINESE COAST GUARD, IKINABABAHALA NG DFA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this