EX-WESCOM CHIEF, ITINANGGI SA ‘SECRET AGREEMENT’ NG CHINA SA AYUNGIN SHOAL

Manila Philippines — Mariing itinanggi ni dating Armed Forces of the Philippines’ Western Command (AFP WESCOM) Commander Vice Admiral Alberto Carlos ang pagpasok sa anumang kasunduan sa Chinese Official hinggil sa Ayungin Shoal.

“I did not forge any agreement at the level and magnitude that would bind our two countries for the long term and redefine foreign policy. I am only the commander of the Western Command and not even of the entire West Philippine Sea,” sinabi ni Carlos sa pagdining ng Senate Committee on National Defense ngayong Miyerkules.

Gayunpaman inamin ni Carlos na nakausap niya ang Chinese military attache’ noong buwan ng Enero.

Ito rin ang unang sinabi ng China na, naganap ang kasunduan sa pagitan ng opisyal sa militar at ng Chinese government.

Ani Carlos, naganap ang mismong usapan sa pagitan ng telopono habang nagsasagawa ng operasyon ang WESCOM.

RELATED: CHINESE ENVOY INVOLVED IN ‘WIRETAPPING’ MAY BE DEPORTED FROM THE COUNTRY — TEODORO

RELATED: NSC: CHINA TO OPEN BDM FOR INT’L INSPECTION, UN BODIES

Pero iginiit niya na walang siyang ibinigay na pahintulot sa kausap niyang tinawag na Colonel Lee na irecord ang kanilang naging usapan.

Kabilang umano sa napagusapan ang pagpapababa ng tensyon sa West Philippines Sea.

“I did not initiate the call… We talked about how to reduce the tension in the West Philippine Sea, particularly during our rotation and resupply mission in Ayungin Shoal,” dagdag pa ni Carlos.

Dahil walang sumipot na opisyal mula sa embahada ng China, ideneklara ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na persona non grata ang diplomat ng China sa Pilipinas.

Pero tanging DFA lang ang maaaring magdeklara ng Persona Non Grata sa isang dimplomat sa bansa.

Hanggang ngayon kasi patuloy pa ring bineberipika ng DFA kung talagang sangkot sa Wiretapping operations ang Chinese diplomat.

At pagtitiyak ng DFA, sakaling mapatunayang sangkot, nakahanda silang magpataw ng nararapat na aksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this