Manila, Philippines – Suspendido na ang face-to-face classes sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan ng Albay simula alas-12:00 ng tanghali ngayong Biyernes, Oktubre 17, 2025, dahil sa banta ng bagyong Ramil.
Ayon sa abiso ng Albay Public Safety and Emergency Management Office – Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (APSEMO-PDRRMO), bahagi ito ng mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at iba pang kawani sa gitna ng inaasahang masamang panahon.
Patuloy na pinapayuhan ang publiko na maging alerto, sundin ang mga abiso ng lokal na pamahalaan, at i-monitor ang mga ulat hinggil sa lagay ng panahon.