FISHER FOLK TATAKBO SA SENADO SA ILALIM NG MAKABAYAN

Manila Philippines — Isa pang representate mula sa marginalize sector ang nagpahayag ng pagtakbo sa senado para sa darating na 2025 midterm elections.

Galing sa Pambansang Lakas ng Mamalakaya (PAMALAKAYA) ang kabilang sa labin-dalawang senatorial slate na binubuo ng Koalisyong Makabayan.

Nagpahayag ng kagustuhang tumakbo sa senado si Ronnel Arambulo ang tagapagsalita ng National Federation of Small Fisherfolk ng Pilipinas.

Kilala si Arambulo bilang isang mangingisda na nakahandang tumindi sa karapatan ng bawat fisher folk sa bansa.

Kabilang na rito ang patuloy na pagtutuloy ng grupo ng mga mangingisda sa presensya ng mga Chinese vessels sa West Philippine Sea (WPS).

Ito raw ito sa mga balakid at nakakaapekto sa hanap buhay ng mga mangingisdang pinoy.

Si Arambulo ang ikalimang personalidad na pinangalanan ng Makakabayan Coalition na kabilang sa kanilang 12 senatorial slate sa paparating na 2025 Midterm Elections.

Una na ring sinabi ng Makabayan na kailangang magmula sa mga marginalize na sektor ang kanilang patatakbuhin sa senado sa darating na eleksyon.

Huli namang kinumpirma ng Makabayan ang pagtakbo ni dating mambabatas na Liza Maza sa Senado, kabilang sina Kilusang Mayo Uno Secretary General Jerome Adonis, dalawang mambabatas na sina Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas at Alliance of Concerned (ACT) Teachers Partylist Represenative France Castro.

Inaasahang kukumpletuhin ng Makabayan ang labin-dalawang slate sa senado, sa mga susunod na buwan bago ang paghahain ng certificate of candidacy sa Oktubre.

Share this