MANILA PHILIPPINES – Halos mahiga na sa harap ng embahada ng China ang grupo ng Alyansa Bantay Kapayapaan at Demokrasya (ABKD) matapos ang kanilang isinagawang kilos-protesta na tinawag nilang
‘lightning rally at DIE-IN protest’.
Layon nito na kondenahin ang pinakabagong regulasyon ng China na nagbibigay kapangyarihan sa China Coast Guard na hulihin at ikulong ang lahat ng manghihimasok sa mga teritoryong binabantayan at pinag-aagawang teritoryo sa WPS at ating Exclusive Economic Zone.
Itinuturing raw ng grupong ABKD ang regulasyon na ito ng China bilang panibagong pananakot sa ating mga mangingisdang pinoy, at magpapalala lamang ng tensyon sa mga pinag aagawang teritoryo.
Malinawag raw ang laman at dapat igalang ng china ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at 2016 Arbitral Ruling.
“Sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at sa Arbitral Ruling noong 2016, maliwanag.. na tayo po ang may karapatan ‘sa 200 nautical mile na nasasakupan ng Pinas,
kabilang ang Panatag Shoal at Kalayaan Group of Islands,” ayon sa grupo.
“Patuloy po silang hinaharas, binubully, binabastos ng (mangingisdang pinoy) mga chinese coast guard huwag po nating hayaang manatili ang ganyan, dahil tayo po ay
nasa sarili nating bansa,” dagdag pa nila.
Sa inilabas na Unilateral Fishing Ban ng China magsisimulang mang-aresto ang CCG sa June 15, kasunod ng isinagawang civilian mission ng Atin Ito Coalition sa Panatag Shoal.
Una nang iginiit ng gobyerno ng Pilipinas na hindi nito kikilalanin ang panibagong regulasyon na ito ng China, at tiniyak ang kaligtasan ng mga mangingisdang pinoy sa WPS.
Ayon sa Philippine Navy malaya pa rin makakapangisda ang mga pinoy sa kanilang traditional fishing ground.
Bilang pagtatapos ng pagkilos ibinasura ng grupo ang mga larawan na nagpapahiwatag ng bagong regulasyon ng Tsina, at iba pang pagpapakita na hindi magpaparaya ang mga Pilipino sa sariling atin.
“at nasa harapan natin ngayon ang isang malaking basurahan, na kung saan ay..literal na binabasura natin, ang kanilang hakbangin na ito,” sabi pa ng grupo.