FOREIGN MINISTER NG BRAZIL BIBISITA SA BANSA; PEACEFUL USES OF OUTER SPACE DEAL, LALAGDAAN

Manila Philippines — Nakatakdang bumisita sa bansa ang  Minister for Foreign Affairs ng Federative Republic ng Brazil na si Hon. Mauro Vieira sa darating na Biyernes, ika-23 ng Agosto.

Inaasahang malalagdaan sa pagbisita ni Vieira ang kasunduan sa teknikal na kooperasyon, kabilang na ng mapayapang paggamit ng outer space at sa larangan ng edukasyon.

“Among the agreements slated to be signed during the visit cover technical cooperation, cooperation in the peaceful uses of outer space, and education,” ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs.

Sabi ng Department of Foreign Affairs (DFA), magkakaroon ng bilateral meeting sa pagitan ni Secretary Enrique Manalo at ni Vieira kasabay ang delegasyon ng dalawang bansa.

Tatalakayin daw sa pagitan ng dalawang opisyal ang kasalukuyang estado ng relasyon at pagsasaalang alang ng mga oportunidad para sa mas advance na relasyon sa pagitan ng Brazil at ng Pilipinas.

Magpapalitan ng din daw ng pananaw ang dalawang kalihim sa larangan ng kalakalan at pamumuhunan, technical cooperation, agrikultura, depensa at sa iba pang aspeto.

“Secretary Manalo and Minister Vieira are expected to exchange views on a range of issues including trade and investments, technical cooperation, as well as cooperation in agriculture, defense, education, and in the multilateral arena,” saad pa ng DFA.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na bumisita sa bansa ang Brazilian Foreign Minister mula nang maitatag ang diplomatikong relasyon sa pagitan ng Brazil at ng Pilipinas, halos 80 taon na ang nakalilipas.


Bahagi din ng pagbisita ni Vieira sa Pilipinas ang pagpapagtuloy ng high-level dialogues bunsod ng ika-6 na Bilateral Consultation Meeting na naganap noong 2023.

Share this