FREE COE HANDOG NG CIVIL SERVICE COMMISSION SA MGA FRESH GRADUATE AT JOBSEEKER

Manila Philippines — Pinaalalahanan ng Civil Service Commission (CSC) ang mga fresh graduate at first-time jobseekers na naglalayong makakuha ng mga posisyon sa gobyerno na nag-aalok ito ng Certificates of Eligibility (COE) nang walang bayad.

S inabi ni CSC chairperson Karlo Nograles sa ilalim ng Republic Act (R.A.) No. 11261 o ang First Time Jobseekers Assistance Act (FTJAA), ang mga ahensya ng gobyerno ay hindi na mangolekta ng mga bayarin o singil mula sa isang first-time jobseeker (FTJ) na humihiling pre-employment documents.

Alinsunod sa FTJAA, naglabas ang CSC ng Resolution No. 2000363 noong Pebrero 2020, na nag-aalok ng isang orihinal at authenticated COE nang walang bayad sa mga fisrt time jobseekers para sa mga naghahanap ng mga career service position.

Ang resolusyong ito ay para sa mga first time applicants na nakapasa sa Career Service Examination, gayundin sa mga indibidwal na mayroong civil service eligibilities sa ilalim ng special laws at pagapapalabas ng CSC.

Sa mga nagnanais naman na kumuha ng COE ng libre ay dapat matugunan ang pamantayang inilabas ng CSC, ang mga ito ay dapat na isang mamamayang pilipino at certificate na nagpapatunay na ito ay isang first time job seeker.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this