GATCHALIAN PINAYUHAN ANG TRB SA KANILANG SERBISYO, BAGO ANG TOLL HIKE

Manila Philippines- Hinimok ni Senator Sherwin Gatchalian ang Toll Regulatory Board (TRB) na tiyaking mapabuti ng mga operator ang pangunahing toll road sa bansa sa kanilang serbisyo bago maaprubahan at ipatupad ang anumang karagdagang pagtaas ng singil.

Inaprubahan ng TRB ang ikalawang yugto ng toll adjustments para sa North Luzon Expressway (NLEX), na nagreresulta sa mas mataas na toll rates para sa mga motorista na maaaring maging epekto sa darating na Hunyo 4.

Ayon kay gatchalian itinutulak nya ang pagkakaroon ng maayos na sistema sa mga expressway dahil alam nito kung ano ang sitwasyon at karamihan umano sa mga tao na bumabagtas rito ay maraming hinaing tungkol sa faulty cashless reader at matinding trapiko lalo na kung weekend o holiday break.

Dagdag pa nito na dapat ang mga operator ng mga toll road ay dapat munang ayusin ang kanilang mga sira na cashless system at magpatupad ng isang programa na magpapagaan sa pagsisikip ng trapiko bago ang anumang paniningil ng karagdagang presyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this