Manila, Philippines – Sinimulan na ng Department of Transporation (DOTr) ang pilot implementation ng cashless payment sa Edsa Busway gamit ang e-wallet na GCASH na pwedeng maging opsyon ng mga komyuters sa pagbabayad ng kanilang mga pamasahe.
Pinangunahan ang paglulunsad na ito ni Transportation Secretary Giovanni Lopez sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) kasama ang GCASH, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at mga bus consortium.
Ayon sa DOTr, magsisilbing hassle free ang karagdagang mode of payment na ito para sa mga pasahero, kung saan gamit ang kanilang Gcash App i-scan lang ang SoundPay device QR na hawak ng mga konduktor.
Awtomatiko na raw na may 20% discount ang mga estudyante, senior citizen at Person with Disabilities (PWD’s) na sasakay ng Edsa Bus Carousel na magbabayad gamit ang cashless transaction.
Binigyang diin ng ahensya na ang hakbang na ito ay bahagi ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mas padaliin ang araw araw na byahe ng mga mananakay at maenganyo silang gumamit ng pampublikong transportasyon.
Samantala, tiniyak naman ng pamunuan ng Gcash na top of the line ang ginamit nila sa pagbuo ng cashes transaction sa edsa busway upang masiguro ang seguridad ng lahat Lalo na ang may mga kinalaman a pang-hahack.
Sa ngayon aabot na sa 260 busway units ang mayroong GCash SoundPay device.
Magtatagal naman ang pilot implementation nito sa loob ng isang taon upang malaman kung magiging epektibo at mas makakapagbigay ito ng ginhawa sa mga pasahero.