Laglag na ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup 2025, matapos matalo sa quarterfinals laban sa two-time defending champion Australia Boomers, 84-60, kahapon Miyerkules, ika-labing tatlo ng Agosto.
Mabilis kasing nagpakita ng dominance ang Australia nang tumira agad ng tatlong triples sa unang dalawang minuto ng laro.
Dalawa rito mula kay Jaylin Galloway.
Patuloy pa rin na umiinit ang Boomers mula sa three-point line sa unang quarter, para ma-holdback ang star scorer ng Gilas na si Justin Brownlee.
Nagtapos ang unang quarter na may 12-29, lamang sa Australia.
Mistulang nag-adjust naman ang Gilas sa ikalawang quarter, nang ipinakita nila ang determinsayon sa laban.
Si Kevin Quiambao ay nagpasiklab ng opensa, nang tumira ito ng tatlong tres para sa misyon na mahabol ang lamang ng kalaban.
Gayunpaman sa halftime, lumobo pa rin ang agwat ng Australia sa dalawampung puntos, sa iskor na 28-48, kahit pa nagsasanib-pwersa na sina Quiambao, Brownlee, at Dwight Ramos para sa isang comeback.
Sa third quarter, mas naging maayos ang depensa para sa Gilas sa pangunguna nina Japeth Aguilar at AJ Edu, pero hindi nagpagapi ang Australia sa kanilang rhythm sa tulong nina Owen Foxwell at Galloway.
Nag-shift sa zone defense kasi ang Gilas na bahagyang nagpabagal sa Boomers, ngunit nanatiling may 50-69 na lamang pa rin ang Australia.
Binuksan naman ni Quiambao ang iskor ng Gilas sa fourth quarter nang nagbigay ito ng tres.
Tumulong din sina Ramos at Brownlee sa opensa, pero patuloy na nanaig ang dominante ng Australia.
Pinatili kasi ng Boomers ang kontrol hanggang sa dulo para makuha ang panalo at makapasok sa semifinals.
Nanguna si Quiambao para sa Gilas na may labing siyam na puntos, sinundan ito ni Ramos na may labing limang puntos, at si Brownlee na may sampung puntos. Nanguna naman para sa Australia sina Galloway at Foxwell na may tig-labing limang puntos.
Dahil sa resultang ito, tuluyang nang nag-exit ang Gilas sa Asia Cup.