GRADUATION RITES, GAWING SIMPLE AT MATIPID — DEPED

    Manila, Philippines – Naglabas ng direktiba ang Department of Education na gawing simple at matipid ang mga seremonya ng pagtatapos sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa, kasabay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo at iba pang gastusin.

    Sa ilalim ng Memorandum No. 015 s. 2026, binigyang-diin ng DepED na dapat iwasan ang magagarbong selebrasyon at mamahaling kasuotan upang hindi madagdagan ang pasanin ng mga magulang.

    Mahigpit ding ipinagbabawal ang anumang paniningil kaugnay ng graduation at moving-up rites, at hindi dapat nakadepende sa bayad ang partisipasyon ng mga estudyante.

    Pinayuhan ang mga paaralan na gamitin ang mga libreng venue tulad ng school grounds o covered courts, habang ang gastos ay dapat kunin mula sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng paaralan.

    Nilinaw rin ng DepEd na ang mga aktibidad gaya ng field trips at prom ay hindi dapat gawing requirement para sa pagtatapos.

    Share this