Manila, Philippines – Ilang araw bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sumuong sa baha sa Cainta, Rizal ang grupong Greenpeace Philippines para mag-protesta bunsod ng epekto ng mga pag-ulan at pagbaha.
Dala ang standee ng Pangulo at mga banner, panawagan ng grupo ang “urgent climate accountability” sa administrasyon.
“As the country reels from the impacts of multiple extreme weather events, we urge PBBM to show true climate leadership in his upcoming State of the Nation Address by holding the biggest contributors to the climate crisis — the oil, coal, and gas companies — accountable and making them pay their fair share,” panawagan ng grupo sa kanilang social media post.
Samantala, saad naman ni Senior Campaigner ng Greenpeace Philippines sa kanilang official article sa kanilang website, dapat gawing plataporma ng Presidente ang nalalapit na SONA para pagtuunin ang mga hakbang para masugpo ang problema: “We call on President Marcos to use his SONA platform to push for bold climate action,”
“We want more than speeches. We want action. Support stronger climate policies, end support for fossil fuel expansion, and fast-track the passage of the CLIMA Bill,” dagdag pa nito.
Ang kanilang protesta ay sa likod ng kanilang pagkabahala dahil mahigit 800,000 Pilipino na ang napilitang lumikas, anim ang nasawi, at umabot na sa daan-daang milyong pisong pinsala sa mga imprastraktura dulot ng sunod-sunod na weather systems na sina Bagyong Crising, Dante, at Emong na mas pinalakas pa ng Habagat.