GRETCHEN BARRETO, ITINANGGI ANG PAGKAKADAWIT SA MISSING SABUNGEROS

Manila, Philippines – Mariing itinanggi ng kampo ni Gretchen Barretto ang pagkakadawit niya sa kaso ng mga nawawalang sabungero, at iginiit na “subject of unsavory speculation based on rumors” lamang ang mga paratang na ipinupukol sa kanya.

Ayon sa inilabas na statement ni legal counsel Atty. Alma Mallonga, naging investor lang umano si Barretto sa e-sabong noon at wala siyang koneksyon sa anumang pagkawala ng mga sabungero.

May nagtangka rin na hingan siya ng pera kapalit ng pag-alis ng kanyang pangalan sa listahan ng iniimbestigahan ngunit tinanggihan ito ng aktres dahil wala naman umano itong ginawang mali.

Nitong linggo lamang ay itinuro ang aktres at businessman na si Atong Ang ni whistleblower Julie Patidongan bilang isa sa mga utak ng kaso.

Ani Patidongan o alias Dodong, iniligpit ang mga nawawalang sabungeros na hindi lamang umano 34 kundi 100 bilang, dahil sa mga pandaraya.

Dagdag pa niya, sina Eric dela Rosa at isang Engr. Salazar ay isa rin sa mga utak ng nasabing krimen.

Samantala, matapos ang pagbubunyag ni Dodong ay nagpadala umano sa kanya si Ang ng P300 milyon na naglalaman ng apat na pahinang recantation upang bawiin ang kanyang naging testimonya.

Nagsumite naman ng limang complaints si Ang kahapon (Hulyo 3, 2025) sa Mandaluyong City Prosecutors Office laban sa whistleblower upang pasinungalingan ang lahat ng isinambit nito.

“Mag-isip ka, Don, wag ka na magsinungaling nang magsinungaling. Tinuring kitang parang anak ko eh, ’di ko alam na ganyan ka kasama. Papatayin mo pa ako, kikidnapin mo pa ako,” saad ni Ang sa isang press conference.

Share this