Manila, Philippines – Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama si Manila City Mayor Isko Moreno at iba pang kawani ng lungsod ang Groundbreaking ceremony ng Pamantasang Lungsod ng Maynila (PLM) College of Allied Health Sciences Building.
Ang 5-storey building na ito ay magsisilbi bilang training ground ng mga aspiring medical students, lalo na ang mga mag-aaral na hindi pa kayang tustusan ang kanilang pag-aaral sa malalaki at pribadong unibersidad.
Kabilang sa mga key features ng PLM ang makabagong mga pasilidad gaya ng classrooms, laboratories, simulation rooms, research facilities, at faculty offices.
Nasa 5,000 estudyante ang kayang i-accommodate ng PLM sandaling maipatayo na ito.
Binigyang importansya naman ng Pangulo ang kahalagahan ng proyekto at ang malaking papel na gagampanan ng mga mag-aaral na magsisipagtapos sa College of Allied Health Science.
Sabi ng Pangulo pagdating ng panahon, ang mga ito ang kakatawan sa bagong henerasyon ng mga propesyunal na healthworkers sa larangan ng medisina sa bansa.
Mga bagong kurso din ang bubuksan sa nasabing paaralan tulad ng Medical technologies, Radiologic Ttechnologies Physical therapy, at Nursing.
Samantala bukod sa pagpapabuti at pagpapalwak ng pasilidad para sa mga medical students, nilalayon din ng bagong paaralan na matugunan ang lumalaking bilang ng mga estudyanteng nag-aaral.
Target naman na matapos ang proyekto sa loob ng dalawang taon.