Manila Philippines — Insulto para sa mga manggagawa ang umento sa sahod ng mga manggagawang Pilipino sa National Capital Region, ayon sa ilang grupo ng mga mangagawa sa bansa.
‘Ang Wage Order 25 ng RTWPB-NCR, na nagbigay ng P35 dagdag sa arawang sahod ng minimum wage earners, ay pang-iinsulto sa manggagawa,” sabi ni Ka Leody De Guzman, Pangulo ng Partido Lakas ng Masa (PLM).
Sabi ng Pangulo ng Partido Lakas ng Masa (PLM) na si Ka Leody De Guzman, hindi daw ito ang nakikita nilang solusyon para sa stabilidad ng mga mangagawang Pilipino.
Panawagan ng kilusang unyon, dapat ng buwagin ng gobyerno ang Republic Act (RA) 6727 o ang Wages Rationalization Act.
Ayon kay De Guzman, hindi daw RA6727 ang bayatan sa pagtatakda ng sahod kundi kapasidad ng mga employers ang pinapaboran ng nasabing batas, na dapat sana’y karapatan ng mga manggagawa sa living wage na nakasaad sa saligang batas ng Pilipinas.
“Sa RA6727, ang batayan ng pagtatakda ng sahod ay “employers capacity to pay” hindi ang karapatan sa living wage na nakasaad sa 1987 Constitution,” ayon kay De Guzman sa isang pahayag.
Panawagan ng labor group, dapat nang icertify bilang ‘urgent’ ang mga panukalang umento sa sahod sa darating na ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos.
“Kung totoong kinakalinga ni Marcos Junior ang uring manggagawa, na kanyang pinuri noong Araw ng Paggawa, i-certify niya bilang “urgent” ang legislated wage increase sa darating na State of Nation Address (SONA) ngayong buwan,’ saad pa ni De Guzman.
Para sa ilang mambabatas kulang ang P35 na umento sa sahod dahil mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.
Kaya naman kinokondena ng Gabrieala Women’s Party ang karagdagang 35 Pisong dagdag sa sahod ng mga manggawang Pilipino sa Metro Manila.
Sabi ni Brosas, patuloy ang kanilang panawagang P1,200 na family living wage sa rehiyon, malayo aniya sa P645 na kasalukuyang sahod ng mga manggagawa sa NCR.
“How can the government expect NCR workers to survive on P645 a day when the Family Living Wage stands at P1,200 and when prices continue to accelerate,” ayong kay Brosas sa isang pahayag.
Sabi pa ng mambabatas, panahon na raw na ipasa ang pangulang House Bill 7568 o ang P750 na buwanang sahod sa buong bansa.
“In light of this development, Gabriela Women’s Party reiterates its commitment to push for the passage of House Bill 7568 or the P750 across-the-board wage hike bill. This proposed legislation seeks to implement a substantial wage increase for all workers nationwide,” ani Brosas.
Magsasagawa raw ng malawakang kilos protesta ang grupo ng Gabriela sa darating na SONA ng pangulo para ipanawagan ang living wage sa gitna ng mas tumitinding krisis sa bansa.
“Sa nalalapit na State of the Nation Address, asahan ng pangulo na sasabayan ito ng mga manggagawa ng isang malawak na protesta para ipanawagan ang nakabubuhay na sahod sa kabila ng tumitinding krisis sa ating bansa,” saad pa ng mambabatas.