Manila, Philippines – Kasado na ang Baha sa Luneta 2.0 rally sa November 30, 2025 na inorganisa ng iba’t ibang progresibong grupo.
Binigyang diin ng Kilusang Bayan Kontra Kurakot (KBKK) ang mabagal na pagpapanagot sa mga sangkot na opisyal ng gobyerno sa pagpapanakaw ng pondo ng taumbayan at maging ang pagpapanagot kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Kabataan Partylist Representative Renee Co, nagpasya ng grupo na magkaroon ng ikalawang malaking rally sa luneta dala umano ng hindi pantay na pagturing sa paglalaan ng pondo sa mga ahensya.
Gayundin ng mabagal na pagpapanagot sa mga sangkot sa korapsyon flood control project funds.
Sa ganap na alas Nuebe ng umaga sa November 30, sisimulan ng grupong KBKK ang opisyal na programa ng kilos protesta.
Ayon kay Professor David Michael San Juan, inaasahan nila na mas marami pa ang dadalo sa kilos protesta sa Nov. 30, kumpara noong September 21.
Tiniyak naman nila na walang magiging kaguluhan sa kilos protesta, matapos magpalitan ng bato at bala ang raliyista at kapulisan noong September 21.
Depensa ni professor San Juan sa naging asal ng mga ralyista noon, ang estado ang may kakayahan na mandahas at hindi ang publiko na nananawagan lamang aniya ng pananagutan sa korapsyon.
Aniya ni Bayan muna Teddy Casino, mapayapang pagkilos ang hangad ng grupong KBKK, bukas ang kanilang entablado sa mga nais ipahayag ang kanilang pakikibaka.
Binigyan niya ang layuning panagutin, hindi lamang si Marcos kundi maging Bise Presidente.
Mahigit sa tatlong buwan na ang nakalipas mula noong batikusin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikaapat na state of Nation Address ang mga opisyal na umano’y sangkot sa katiwalian ng flood control projects.
Pinakatumatak ang kanyang linyang, “Mahiya naman kayo” para sa mga kumakamal ng bilyong bilyong pondo ng taumbayan.
Ngunit tanong ng taumbayan, bakit wala pang nakukulong? ngunit mayroong nang mga Pilipino ang nasawi dahil sa malawakang pagbaha dala ng malalakas na paghagupit ng bagyo.
Sa tatlong buwan na lumipas, kabila kabilang mga pagkilos na ang isinagawa ng taumbayan para ihayag ang kanilang galit sa pagnanakaw ng mga sangkot na opisyal ng DPWH, mga mambabatas, at government contractor.—Krizza Lopez, Eurotv News