HALOS P800M HALAGA NG SIGARILYO, VAPE PRODUCTS NASABAT

Manila Philippines – Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang aabot sa P791 milyong halaga ng ‘smuggled’ na mga sigarilyo at vape products mula sa tatlong 45-footer container ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Manila International Container Port (BOC-MICP) nitong Martes.

Nagmula ang mga ito sa Singapore kung saan natuklasan mula sa derogatory information na natanggap ng Customs Intelligence and Investigation Service of MICP Chief Alvin Enciso sa ilalim ni Deputy Commissioner, Juvymax Uy.

Base sa report dumating ang mga kargamento sa Pilipinas noong May 11 na naglalaman ng ng 3,845 cases ng tobacco products.

Isinailalim ito ng MICP sa physical examination at lumabas na naglalaman ng 4,215 master cases of cigarettes at 1,053 master cases of heat sticks.

Dagdag pa rito, ay napag-alaman na ang subject cigarettes at heat sticks ay walang mandatory printed
graphic health warnings sa packaging king saan nilabag ang R.A. 11900 o “Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act of 2022” at RA 10643 or “The Graphic Health Warnings Law of 2014.”

READ: OSG, BUMUO NG SPECIAL TEAM PARA IMBESTIGAHAN SI BAMBAN TARLAC MAYOR ALICE GUO

Sa ginawang verification naman sa National Tobacco Administration (NTA), natuklasan na ang consignee ng record ay hindi registered importer ng tobacco at iba pang tobacco related products, na paglabas sa NTA Board Resolution 079-2005.

Sa isang pahayag sinabi ng MICP na magpapatuloy sila sa pinaigting na pagmamatyag kontra smuggling attempts, kabilang na ang active prosecution of corresponding criminal and administrative cases against personalities involved sa ilalim ng direktiba ni BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio.

Isang Warrant of Seizure and Detention (WSD) ang ipapalabas laban sa nasabing shipment bilang paglabag sa violation of Section 117 (Regulated Importation) in relation to Section 1113
of RA 10863 or the Customs Modernization and Tariff Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this