Manila, Philippines- Bunsod ng patuloy na pag-iral ng Southwest Monsoon o Hanging Habagat, inaasahan ang malawak na kaulapan sa western section ng Pilipinas.
Sa datos na inilabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaninang alas-4 ng umaga, magdadala ang hanging habagat ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao ngayong araw na posibleng umabot hanggang bukas.
Bagaman maaliwalas na panahon ang inaasahan ngayong umaga sa Metro Manila, may tyansa pa rin ng thunderstorm o isolated rainshowers mamayang hapon hanggang gabi.
READ: STATE WEATHER BUREAU SAYS FIRST TROPICAL DEPRESSION MAY STRIKE NEXT WEEK
Pinapayuhan ang taga MIMAROPA, Quezon Province, at Bicol Region na maging handa sa banta ng pagbaha at pagguho ng lupa. Gayundin ang mga rehiyon sa Visayas at Mindanao, na pinag-iingat sa posibleng flashfloods.
Samantala, “improving weather condition” o patuloy ang pagbuti ng panahon ang mararanasan sa Mindanao ngayong darating na linggo kaya mas magiging maaliwalas ang panahon sa mga lugar dito.
Sa kasalukuyan, wala pa ring namamataan na low pressure area o anumang sama ng panahon sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) kaya wala pa ring nakataas na gale warning sa kapuluan.
Ngayong araw, June 21, mararanasan ang pinakamahabang daytime na tatagal ng 13 oras mula 5:28 ng umaga hanggang 6:28 ng hapon at pinakamaikling nighttime dahil sa umiiral na Summer Solstice sa Northern Hemisphere.
READ: PAGASA DECLARES START OF RAINY SEASON IN THE PHILIPPINES