‘Hello, Love, Again’ Pumalo sa P1.06 Bilyon

Manila, Philippines – Isang panibagong milestone ang naabot ng pelikulang “Hello, Love, Again” na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards matapos nitong maging kauna-unahang Filipino film na umabot sa P1 bilyon sa global box office.

Ayon sa ABS-CBN Films, umabot na sa P1.06 bilyon ang kita ng pelikula nitong Nobyembre 23, sampung araw lamang matapos ang theatrical release nito. 

“Thank you for the love, and we love you a billion more,” pasasalamat ng Star Cinema and GMA Pictures sa Instagram. 

https://www.instagram.com/p/DCvO1JYzw1-/?utm_source=ig_embed&utm_campaign=loading&img_index=1

Ang pelikula ay isang sequel ng blockbuster film na “Hello, Love, Goodbye” na ipinalabas noong 2019. Sinusundan ito ng buhay nina Joy at Ethan limang taon matapos ang mga pangyayari sa unang pelikula.

Sa kasalukuyan, ito na ang hinirang bilang highest-grossing Filipino movie of all time, kung saan nilagpasan nito ang P924 milyon na kita ng “Rewind” na pinagbidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Share this