HIGIT 9K ILLEGAL VAPE PRODUCTS, KUMPISKADO NG SPD SA PASAY

Pasay City – Nasamsam ng Southern Police District at Department of Trade and Industry – Fair Trade Enforcement Bureau ang nasa higit 9,000 mga illegal vape products sa magkasunod na operasyon sa Pasay City.

Isinagawa ang unang operasyon sa isang establisimyento sa J. Silva, Aurora St. at ang pangalawa naman ay sa Brgy 102 sa nasabing lungsod.

Ang sanib pwersang operasyon na ito ay nag resulta sa malawakang pagresolba ng kaso, kung saan nakolekta ang 9,359 na piraso ng ibat ibang variants ng producto ng vape na nagkakahalaga ng higit sa limang milyong piso.

Parehas ng mga barangay official ng dalawang bayan ay naging isa sa mga testigo sa pag kolekta sa mga ilegal na produkto.

Nasa kustodiya na ng DTI-FTEB ang mga nasabat na ebidensiya.

Share this