MANILA, PHILIPPINES – Tinugunan ni Department of Agriculture (DA) Secretary Kiko Tiu-Laurel Jr. ang mga alalahanin hinggil sa Executive Order 62 na nagpapababa sa taripa sa inangkat na bigas.
Tiniyak niya na ang patakaran ay hindi idinisenyo para magbigay ng pasakit sa mga Pilipinong magsasaka kundi para maibsan ang mataas na presyo ng bigas na nakakaapekto sa mga mamimili sa buong mundo.
Aniya, ito ay hindi isang anti-farmer bagkus ito ay isang paraan umano para matugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas para na rin makatulong din sa mga konsyumer .
Tiniyak ni Tiu-Laurel na ang suporta ay isinasagawa para sa mga magsasaka na maaaring maapektuhan ng mga pinababang taripa. Ang DA ay nakatuon sa pagpapabuti ng tulong sa mga pangunahing lugar tulad ng mekanisasyon at mga pataba.
Dagdag pa rito, gagampanan ng National Food Authority ang mahalagang papel sa pagpapatatag ng presyo ng bigas sa pamamagitan ng pagbili ng palay sa makatwirang presyo.