Manila, Philippines – Nasa pagdedesisyon na umano ng National Unity Party sa kongreso ang hindi nito pagsuporta sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte, giit ni Palace Press officer Atty. Claire Castro.
Ayon sa opisyal ng palasyo, kalayaan ng mga kaalyado ng mga Duterte na bumoto ng desisyon sa kongreso.
Binigyan diin din ni Castro na hindi tumitingin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa bilang kanyang kaalyado sa kongreso.
Aniya, nakatuon ang pangulo sa pagpapahalaga sa proseso at ebidensya
Base sa pahayag ng NUP, wala silang nakikitang bagong ebidensya kaugnay sa impeachment complaint laban sa bise kaya’t malabong suportahan ito ng naturang political party.
Maliban na lamang anila kung mayroong mabigat na ebidensya na makapagpapatunay sa ibinibintang kay Sara Duterte.
Iginiit ng NUP na naniniwala silang mas mahalagang pagtuunan ng pansin ng kongreso ang iba pang pambansang problema.
Tiwala naman ang NUP na gagawin ng House Committee on Justice ang mga pagdinig ng naaayon sa konstitusyon.