HONTIVEROS, NAGSUMITE NA SA KASO SA NBI LABAN SA 12 INDIBIDWAL MATAPOS MAGPAKALAT NG MALING IMPORMASYON

Manila, Philippines – Kinasuhan na ni Senator Risa Hontiveros sa National Bureau of Investigastion (NBI) ang mga sangkot sa pagpapakalat ng malisyosong video sa social media laban sa kanya.

12 indibidwal ang kinasuhan at pinaiimbestigahan ni Senator Hontiveros sa NBI kabilang na rito sina Michael Maurillo at Pagtanggol Valiente – na siyang nag-upload ng video ni Maurillo.

Sa viral video na in-upload ni Valiente, pinagbintangan ni Maurillo na binayaran siya ng senador para tumestigo laban kay Pastor Apollo Quiboloy.

Nitong Lunes ay pinasinungalian lahat ni Hontiveros ang mga bintang laban sa kanya.

Mariin sinabi ng mambabatas na mismong si Maurillo mismo ang lumapit sa kanyang opisina at nag-iwan ng mensahe sa email.

Sa mga resibong nilibas ni Hontiveros, isiniwalat ni Maurillo na isa siya sa mga inabuso ni Quiboloy.

Pinabulaaanan din ng Senadora ang pagbabayad niya ng milyon kay Maurillo para tumestigo.

Giit niya na hindi nagbibigay ang kaniyang opisina ng tulong sa mga potensyal na testigo sa mga pagdinig sa senado.

Pakay ng pagsasampa ng kaso ni Hontiveros ng kaso sa NBI ay para matukoy kung sino ang nasa likod ng pagpapakalat ng fake news.

Kasama sa mga kinasuhan niya ng cyber libel ang mga vlogger na sina Krizette Chu, Tio Moreno, Trixie Angeles, Rob Rances, Jay Sonza, Sass Sassot, Joie Cruz at Eric Celiz.

Ayon pa kay Hontiveros, hindi niya mapapalampas ang pagpapakalat ng fake news ng mga indibidwal na ito sapagkat hindi lamang aniya siya ang inilalagay sa panganib kundi maging ang kanyang staffs at mga tumayong testigo sa kaso ni Quiboloy. — Krizza Lopez, Eurotv News

Share this