HYPERSONIC MISSILES SESERYOSIHIN NG AFP – COL. PADILLA

MANILA PHILIPPINES – Nakatakdang tukuyin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang impormasyon kaugnay sa inihayag ni Sen. Imee Marcos hinggil sa umano’y planong paggamit ng China ng hypersonic missiles sa 25 lugar sa Pilipinas kaugnay ng isyu sa EDCA at West Philippine Sea.

Sabi ng AFP sineseryoso nila ang ibinunyag ni Sen. Imee, sa isang pahayag sinabi ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na makikipag-ugnayan sila sa Senadora para makakuha ng detalye sa nasabing impormasyon.

Base sa impormasyong inilabas ng presidential sister 25 areas umano ang potential na target ng hypersonic missile ng China dahil sa EDCA sites at sa nangyayari ngayon sa West Philippine Sea.

Sa ngayon walang natatanggap na impormasyon ang intelligence community ng AFP hinggil sa umano’y missile launch ng China sa Pilipinas.

READ: China Plans to Use Hypersonic Missiles Against EDCA Sites

“Regarding Sen. Imee Marcos’ statement about 25 areas potentially targeted by china’s hypersonic missiles due to EDCA sites and West Philippine Sea scenario, the AFP takes such concerns seriously,” ayon kay padilla.

Sa isang video na uploaded sa social media account ng senadora sinabi nito na kumampi na raw ang Pilipinas sa itinuturing na kalaban ng china sa pamamgitan ng pagbibigay ng 17 base militar
sa Estados Unidos.

Aminado itong natatakot raw sya sa tumitinding tensyon sa West Philippine Sea na maaring pinanggalingan ng kanyang ibinunyag na pahayag.

Dahil dito makikipag tulungan raw aniya si Padilla kay Marcos upang makakuha ng mga impormasyon at gumawa ng mga hakbang upang masiguro ang seguridad ng bansa.

Ang hypersonic missile ay limang beses na mas mabilis sa speed of sound kaya mahirap o imposible itong maharang ng ibang air defense system.

Samantala, inihayag ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner na nakahanda ang AFP na lumaban sa sinumang nais sumakop sa ating teritoryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this