IBA’T IBANG KLASENG TULONG NG PAMAHALAAN SA MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA SA ZAMBOANGA HINATID NI PBBM

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi ng mga tulong sa magsasaka at mangingisda sa Zambonga.

Bitbit ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan binisita ni Pangulong Marcos ang mga magsasaka at mangingisda sa Zamboanga City.

Kung saan tumanggap ang mga napiling benipisyaryo ng tig P10,000 na tulong pinansyal.

“Kaming lahat ay patuloy na nakikipagugnayan at nagsasanib puwersa sa kagustuhang mapawi ang iniinda ninyong hirap dulot ng matinding tagtuyot,” President Marcos said during the distribution of presidential assistance to farmers, fisherfolk and families affected by El Niño at the Universidad de Zamboanga Summit.

Nagbigay din ang Department of Social Welfare and Development ng karagdagang tulong pinansyal sa magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program.

Dinala rin ng opisina ni First Lady Louise Araneta Marcos ang kanyang “LAB FOR ALL” na tutulong sa medikal na pangangailangan ng mag residente doon.

Gayundin ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair’ ng Office of House Speaker ni Ferdinand Martin Romualdez

“Kita niyo naman po, halos buong pwersa ng pamahalaan ang humaharap sa inyo ngayon dito,” President Marcos added

Nakasama rin ng Pangulo ang Department of Agriculture upang personal naman na inspeksyunin ang epekto ng El Nino at pag aralan ang cloud seeding operation sa Region 9.

Binabantayan naman ng Department of Health (DOH) ang supply ng tubig sa naturang rehiyon para sa mga apektadong indibidwal dulot ng sobrang init.

Samantala nakatanggap din ng monetary support mula sa Pangulo na nagkakahalaga ng P58M ang Lungsod ng Zambonga, probinsya ng Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte at Zamboanga Sibugay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this