ICC, NAGBABA NG DEADLINE PARA SA PAGSUSUMITE NG APELA NI FPRRD

Manila, Philippines – Nagbaba ang International Criminal Court (ICC) ng deadline para magsumite ang kampo ni dating pangulong Rodrigo Duterte ng written appeal sa kaso nito.

Sa desisyong inilabas noong January 29, na isinapubliko  nito lamang lunes, sa nalalapit na February 5 ang ibigay na deadline ng limang judge para isumite ang apela na hindi lalagpas sa 20 pahina. 

Habang office of the Prosecutor at Legal representatives of Victims ay maaaring isumite ang kanilang kasagutan hanggang February 12, 2026 lamang. 

Nag-ugat ang kasong ito matapos akusahan ang dating pangulo ng crimes against humanity sa Pilipinas na may kinalaman sa war on drugs na naganap sa ilalim ng administrasyong Duterte. 

Kamakailan ay nagtakda na ang ICC Pre-trial Chamber I ng petsa para sa confirmation of charges ni dating pangulong duterte sa February 23. 

Ito’y matapos matukoy ng korte na fit to stand trial ang dating pangulo.–Krizza Lopez, Eurotv News

Share this