Manila, Philippines – Hiniling ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Department of Justice (DOJ) na bantayan ang travel plans ng ilang mga mambabatas na nasasangkot sa maanomalyang flood control projects.
Sa pamamagitan ito ng pag-iisyu ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) ng DOJ.
Una sa listahan ng ICI na isinumite sa DOJ ang pangalan ni dating House Speaker Martin Romualdez, dating senate president Francis ‘Chiz’ Escudero, Senator Jinggoy Estrada, mga dating senador Ramon ‘Bong’ Revilla, at Nancy Binay.
Nasa listahan din ang ilang mga kinatawan sa Quezon City, katulad nina Congressman Arjo Atayde, Congressman Patrick Vargas, former congressman Marvin Rillo.
Kabilang din sa listahan si Congressman Marcy Teodoro, Congresswoman Rida Robes, at representative Marivic Co Pillar.
Ayon kay ICI Chairperson Retired Justice Andres Reyes, layon ng ILBO na makapag-imbestiga ang komisyon ng walang delay at balakid sa pagpapanagot sa mga indibwal.
Hinihiling din ng ILBO sa Bureau of Immigration na agad ipagbigay sa alam sa komisyon at sa iba pang law enforcement agence kaugnay sa travel plans ng mga indibidwal na nasa listahan.
Matatandaang na ang mga pangalan na nasa listahan ay ang mga individual na pinangalanan sa naunang imbestigasyon mula man sa senado o kamara o maging sa Department of Public Works and Highways.—Krizza Lopez, Eurotv News