MANILA PHILIPPINES – Nalusutan ng advance team ng Atin Ito coalition ang ginawang massive at illegal blockade ng china sa bahagi ng Bajo De Masinloc kasunod ng kanilang civilian resupply mission.
Ayon sa grupo unang nagpadala ng advance team sa Bajo de Masinloc shoal isang araw bago pa man ang opisyal na pagsisimula ng kanilang aktibidad nitong Martes.
Nakarating ang mga ito sa bisinidad ng BDM kahapon, Mayo 15, 2024, kung saan agad silang
nagpaabot ng donasyong supply sa mga Pilipinong mangingisda sa lugar.
Sa kasagsagan ng kanilang pamimigay ng donasyon ay nakaranas din ito ng shadowing mula sa navy ship ng China na may body number 17, ngunit gayunpaman ay nagresulta pa rin ang kanilang misyon sa pamamahagi ng aabot sa 1,000 liters ng diesel at 200 food packs para sa mga Pilipinong mangingisda.
“Despite China’s massive blockade, we managed to breach their illegal blockade, reaching Bajo de Masinloc to support our fishers with essential supplies. Mission accomplished!” ayon kay Akbayan President Rafaela David, at Co-convenor ng Atin Ito.
‘Sa isang pahayag ng Akbayan Party na kabilang sa mga sumama sa aktibidad ilan sa mga maituturing anya nilang accomplished sa kanilang paglalayag ay pakikiisa at peace regatta ng 100 maliliit na bangkang pangisda sa ating EEZ, paglalagay ng symbolic WPS markers sa ating teritoryo, at pamimigay ng supplay sa mga mangingisdang pinoy kabilang na ang gasolina foodpacks.
“Tagumpay po tayo! This mission is a tremendous success. We have achieved so many things despite the extraordinary challenges. Mabuhay ang Pilipinas at ang mamamayang Pilipino. West Philippine Sea, atin ito!,” dagdag pa niya.
Inaasahang darating ang atin ito sa May 17 alas dose ng madaling araw.